Mga Blogger

Sino- sino kaya ang mga nasa likod ng blog na ito?

.

.

.

.

.

.

42385056_704594936566271_7777418481443536896_n

Meg Althea Anacleto

“Ako si Meg Althea Uy Anacleto, isang Blogger sa kiyaaas Blogspot mula bilang 9 pangkat Acacia. Isa rin akong estudyante mula UPRHS na mahal ang musika at mahilig sa sining. Para sa akin dapat nating panatilihin ang wikang Filipino dahil ito ang ating namana galing sa ating mga ninuno. Salamat sa pagdalaw sa kiyaaas blog at panatilihing maganda ang kiyas para positibo lagi ang pananaw sa buhay.” –Anacleto, 2018

18622164_653807078149494_6256397468121626112_n.jpg

David Aquino

Ako si David Aquino. 14 taong gulang. Isang mag-aaral ng baitang Acacia sa UPRHS. Mahilig ako sa maglaro ng isports katulad ng basketball at volleyball. Mahilig din ako sa musika at pag awit” –Aquino,2018

42337896_471208316695711_1763175016645525504_n.jpg

Alexandra Margarette Dayo

“Ako si Alexandra Margarette Dayo, isang estudyante at manunulat. Isa ako sa mga taong gumagawa ng aking pinakamakakaya, lalo na pag ang aking mga talento ay kailangang ilabas. Ako ay mabilis maglabas ng aking damdamin sa iba at mabilis rin lapitan kapag ang iba ay nagdaramdam. Ako ay mahiyain sa loob at matatakutin na sa harap ng maraming tao. Pagsusulat at pagsasalita ang aking mga panghimagas sa mga panahong ito. Mabilis akong magtiwala sa simula at ayoko sa mga taong nang-aapi nang patalikod. Ako ay isang tao ng salita at ako ay isang Filipino.” –Dayo, 2018

RTYtBCME_400x400

John Zarem D. Espina

“Ako’y ipinanganak noong ika-11 ng Oktubre, taong 2003. Ang aking mga hilig ay paglalaro ng mga “video games” at ng mga isport, pakikipagkapuwa, at higit sa lahat ay ang pagtawa dahil magagawa mo ang lahat ng bagay kapag ikaw ay masaya. Paglaki’y wala pa akong natitipuhan ngunit isa lang ang aking nasisigurado na ito ay magpapasaya sa akin at ito rin ang aking magagamit upang maibalik lahat ng mga sakripisyong ginawa ng aking mga magulang para sa akin. Isang hindi marunong magblog ngunit natuto dahil ginustong matuto upang sa susunod na mga tao’y makagawa na ng kaniyang sariling blogsite. Huwag kang matatakot sumubok ng mga bagay- bagay dahil kapag hindi mo sinubukan ang mga ito, ikaw din ang mawawalan at siyang magdurusa sa huli. Ako nga po pala ulit si John Zarem D. Espina, naniniwala na hindi mo makakamit ang tunay na tagumpay kung hindi mo ito gagamitan ng pagsisikap, pakikipagkapuwa, at paniniwala at pagsunod sa nakatataas.” –Espina, 2018

42446233_244588006150596_2383269329551491072_n

John Matthew Perez

“Ako si Jm Perez at ako ay 15 na taong gulang na estudyanteng nag-aaral nang mabuti sa UPRHS (Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos) . Ipinanganak ako sa Infirmary, UPLB noong September 12, 2003. Ang hilig kong gawin ay maglaro ng kompyuter.” –Perez, 2018

42497150_303351153726489_6577824632382947328_n

Kenzo Publico

“Alam mo na pangalan ko kasi maraming nakakakilala sa akin pero kaunti lamang ang tunay na nakakaintindi sa akin.” –Publico, 2018

42423056_2150780705194590_1532549390407827456_n

Lanz Krisnel Velasco

“Lanz Krisnel Velasco ang aking ngalan, labing-apat na taong gulang. Ipinanganak at lumaki sa probinsya ng Laguna. Hilig ko ang pagsasayaw, paglalaro ng volleyball, at pagkuha ng mga litrato at bidyo. Pag ako’y lumaki ninanais kong maging matagumpay na tagapangasiwa ng banko. Naniniwala ako sa proseso ng buhay, hindi lahat ng bagay ay may maganda kinahihinatnan, minsang bumabagsak ngunit laging may paraan upang bumangon at ipagpatuloy ang buhay.” –Velasco, 2018 

.

.

.

.

.

.

Masaya ka na ba dahil nakilala mo na sila? Samahan mo naman ako sa panonood sa kanilang mga ginawang bidyo.

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: